Ang Teknolohiya sa Pagtibay ng Relasyon sa Pamilya

Sa panohong ito, unti-unting umuunlad ang teknolohiya. Dito na tayo'y minsan nakadepende;ukol sa mga gawain natin

Umuunlad na ang teknolohiya ngayon. Mabuti nalang kaming mga kabataan ngayon ang nakakaangkin nito. Ginagamit namin ang mga ito sa mga araw-araw nating gawain. Isa na rito ang pagkuha ng impormasyon sa internet, di tulad noon na makakakuha ka ng impormasyon sa libro. Isa pa sa mga madalas na ginagawa natin sa gadgets ang paglalaro ng mga mobile games. Ngunit, sa kabila ng mga ito, mayroong tayong malaking responsibilidad na dapat natin tandaan bagkus isang pagkakamali ay maaring idudulot nito ay kapahamakan. Kasama sa pagtuklas ng makabagong teknolohiya o mga gadgets, kaakibat nito ang pag-aapekto ng relasyon sa pamilya at sa ibang tao. Sa teknolohiyang ipinakita sa lipunan, ang noo'y pakikihalubilo natin sa ibang kapwa at sa ating pamilya ay may pinagbago na.

Sa paggamit ng iba't ibang uri ng teknolohiya, maasahan natin na mayroong responsibilidad na ating ihaharap. Huwag nating hayaan ang ating gadgets mismo ang mamuno sa ating buhay sa halip, gamitin ito kung may mahalagang idudulot ito sa ating buhay. Gamitin rin ito sa mga bagay-bagay na dapat natin gawin katulad ng paggawa ng assignments, projects, activities at iba pa. Bigyan rin ng sapat na oras ang paggamit natin sa gadgets dahil kung nasobrahan natin ang paggamit ng mga ito, maaring mapapahamak; hindi lang ikaw kundi, ang ibang tao rin.

Comments

Popular posts from this blog

PROPER NUTRITION for EVERY PERSON

ReSiLiEnCy Of FiLiPiNoS

No More To Drugs